(right-click on image above to control playback functions)
Laging bigo, laging sawi sa pag-ibig Minamalas, o, kay sakit May balat nga ba ako sa pwet Mabuti pa ang tindera sa aming kanto Nakakainggit TL ang sweet nila ng kaniyang nobyo Gusto ko lang maranasang umibig, tamaan ni Kupido Gusto ko lang maranasan ang langit Tumibok muli ang puso ko [chorus] Tumatakbo ang oras Naiiwan na ako ng panahon ‘Di na nagbago’ng bawat araw Pare-pareho parang kahapon Tumatakbo ang oras …ahhh May birthday cake ka nga Ngunit wala naman kandila May Christmas tree na malupet Wala namang dekorasyong pansabit Sadyang ganyan ang aking buhay Walang kasing tamlay Ayoko sanang tumandang nag-iisa [chorus] Tumatakbo ang oras Naiiwan na ako ng panahon ‘Di na nagbago’ng bawat araw Pare-pareho parang kahapon Tumatakbo ang oras …ahhh Tatanggapin na lang ba ang malupit na tadhana o kaya’y Tatanggapin na lang ba na ako’y sadyang hindi pinagpala Tigilan na ang drama Punasan na ang luha, yeah [chorus] Tumatakbo ang oras Naiiwan na ako ng panahon ‘Di na nagbago’ng bawat araw Pare-pareho parang kahapon Tumatakbo ang oras …ahhh Tumatakbo, tumatakbo Tumatakbo, naiiwan na ako