Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin
Itanim mo sa puso mo ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani
Refrain:
Hayaan mong lumipad ang isip sa lawak ng langit
Bitui'y umaawit at ito'y nagsasabing...
Chorus:
Mangarap ka, mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka, umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo
Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin
Repeat Refrain
Repeat Chorus
Bridge:
Bawat panaginip na taglay ng yong isip
Palayain mo at ilipad tungong langit
Ang iyong tinig ay aawit
Repeat Refrain
nagsasabing
Repeat Chorus
(Oh, woh oh oh...)
Manalig ka, manalig ka
Ang langit ay naghihintay sa 'yo