Home ~ Makulit Network ~ Pinoy rap ~ Forum ~ My blog

Lumayo ka man sa akin
Rodel Naval

(right-click on image above to control playback functions)



Lumayo ka man sa akin 
At ako'y iyong limutin 
Masakit man sa damdamin 
Pilit pa rin titiisin. 

Mga lumipas na ligaya 
Ang kahapong may pag-asa 
Mga pangarap na walang hanggan 
Ay naglaho paglisan mo, mahal ko. 


* Pagkat saan ka man naroroon 
Pintig ng puso ko'y para sa iyo 
Naghihirap man 
Ang aking damdamin 
Nagmamahal pa rin sa iyo giliw 
Limutin man kita'y di ko magawa 
Hindi pa rin ako nagbabago 
Ang pag-ibig ko sa iyo'y 
Lagi mong kasama. 

Mga sandaling ligaya 
Kung ikaw ang siyang kasama 
Sana ay di na natapos pa 
Wala ng nais pang iba. 
Sa gabi'y naaalala 
Nalulumbay pagkat wala ka 
Ang yakap mo'y aking inaasam 
Sana'y maulit pang muli 
Mahal ko. (REPEAT *) 

Tuluyan man tayong di magkita 
Umaasa pa rin ako sinta 
Pagkat mahal kita manalig ka 
Walang katulad mo sa buhay ko 
Ikaw lamang ngayon, 
Bukas, kaylan man 
Naririto ako asahan mo 
Ang pag-ibig ko sa iyo'y 
Lagi mong kasama. 

Ang pag-ibig ko sa iyo'y 
Lagi mong kasama.