Home ~ Makulit Network ~ Pinoy rap ~ Forum ~ My blog

Kahit Bata Pa Ako
Aikee

(right-click on image above to control playback functions)


Kahit bata pa ako
(kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita
(minamahal kita) 
Hindi ito isang laro hindi ako nagbibiro 
May puso rin ako kahit bata pa
(kahit bata pa) ako 

Ano ba tong nararamdaman bakit ganto 
Sa tuwing nakikita kita akoy napapahinto 
Akoy natataranta at kinakabahan 
Sa tuwing dadaan ka sa aking harapan 
Di ko maintindihan kayat lumapit sayo 
At nung mula ka akong makausap ninyerbyos ako 
At nawala na lang bigla 
Ang aking kaba 
Ng may nakita kong ngiti sayong maamong mukha 
Nakipag kilala ka't inabot iyong kamay 
Hanggat sa pag uwi tayo ang magksabay 
Masayang nagkukulitan habang nag kekwentuhan 
At kahit kailan hindi ko to malilimutan 

(chorus) 

At magmula non napalapit na ako sa iyo 
Masaya ako sa tuwing magkasama tayo 
Sa tuwing papasok sa iskwela hanggat sa pag-uwi 
At pag naglunch break na tayong magkatabi 
Ikaw ang tumutulong sa mga homework ko 
At pagkatapos sabay tayong naglalaro 
Ng ps2 at ng ragnarok sa pc
Nanonood ng gusto kong cartoon sa tv
Ng slamdunk o ng dragon ball z 
Nandyan sya pag napagalitan ni daddy
Di umaalis she never leave me alone 
Sinong di maalis sa mga text sa phone diba 

(chorus) 

At para bang bigla na nagunaw ang aking mundo 
Ng mabasa ko ang liham na pinaabot mo 
Na kailan mong lumisan at mag ibang bayan 
At kayat sa akin ikaw ay nagpaalam 
At di ko alam kung babalik ka 
Kayat parang kong halaman na biglang nalanta 
Na nawala ng sigla unti unting tumumba 
Inaasahan makakasama ka hanggang pagtanda 
Pero kahit na mahirap to kailangan tanggapin 
Kahit masakit to kailangan tiisin 
Kailangan tong gawin para yong marating 
Ang mga pangarap ko kailangan kong abutin 
At sana balang araw makita ka muli
(makita ka uli) 
At sana balang araw makasama ka muli
(makasama ka ulit) 
Tandaan lang kahit saan ka magpunta 
Na kahit bata lang ako mahal na kita 

(chorus x2)