Home ~ Makulit Network ~ Pinoy rap ~ Forum ~ My blog

Dito sa puso ko
Ogie Alcasid

(right-click on image above to control playback functions)


  

Ikaw ang nagbigay ng buhay 
Sa mundo kong wala nang kulay 
Ako sa 'yo ay tila ganyan din 
At iisa ang ating puso't damdamin 
Tayo tayong nagsimula nito 
Sana'y umapaw pa ang pagsuyo 
O giliw kay saya 
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka 

Dito dito sa puso ko 
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho 
Huwag sanang mag-alala sinta 
Damdamin ko'y hindi na magbabago 
Dito dito sa puso ko 
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho 
Huwag sanang mag-alala sinta 
Damdamin ko'y hindi na magbabago 

Ano ano ba ang nangyari 
Ika'y nagtatampo't hindi ka nagsasabi 
Bakit ba ang lambing mo'y kulang 
Sa akin ay nag-aalinlangan 
'Di ba sa 'yo'y nasabi na 
Ikaw ang irog ko't ako'y iyung-iyo 
O giliw kay saya 
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka 

Dito dito sa puso ko 
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho 
Huwag sanang mag-alala sinta 
Damdamin ko'y hindi na magbabago 
Dito dito sa puso ko 
Pag-ibig ko'y hindi na maglalaho 
Huwag sanang mag-alala sinta 
Damdamin ko'y hindi na magbabago 

Tayo tayong nagsimula nito 
Sana'y umapaw pa ang pagsuyo 
O giliw kay saya 
Tanggal aking kaba kapag kapiling ka