(right-click on image above to control playback functions)
Kapag ako'y nag-iisa, Mayro'ng gumugulo Sa aking isipan. Alam kong tayo'y nagmamahalan. Ngunit bakit ganito? Di maipaliwanag. Hawakan mong aking mga kamay, Bigyan ng kulay ang aking buhay. Mahal ayoko pang lumisan. Dito lamang ako, Dito sa tabi mo. Ngunit kailangan kong gawin 'to. Di dahil nais ko, Sana'y unawain mo. Hawakan mong aking mga kamay, Bigyan ng kulay ang aking buhay. At wag kang bibitaw. Huwag kang hihiwalay. Ika'y aking lakas. Pagibig na ito'y sadyang wagas. Ano kaya itong pagsubok na dapat kong dalhin? At dapat kong tanggapin? Mahal sa'king paglalakbay, Ako'y nalulumbay. Kailangan bang mawalay? Hawakan mong aking mga kamay, Bigyan ng kulay ang aking buhay. Habang pasan ko ang daigdig Pagibig mo'y nananaig. At balang araw tayong dalawa'y Magsasama. (di na mag-iisa) (di na mag-iisa) Ika'y kapiling na... Di na nag-iisa... Di na nag-iisa.