(right-click on image above to control playback functions)
Narinig ko ang 'yong tinig Kay ganda't kaibig-ibig Tinig ng 'yong kalooban Na tila 'di nababahiran Narinig ko ang 'yong tinig Ako ba'y iyong tinatawag Bakit ba ika'y lumuluha Ikaw ba'y may dinaramdam Tahan na at ako'y narito na CHORUS Ika'y mamahalin Pipiliin ika'y pasiyahin 'Di papayag na ika'y saktan Ng kahit sino man Ako'y asahan mo, hirang Sa lahat, ika'y isang yaman At nais nilang maangkin ka Ang mga kilos mo't galaw Tinatanaw nila sa araw-araw 'Di naman nakapagtataka Ako ma'y nabihag mo na Ngunit bakit ka lumuluha Ikaw ba'y may dinaramdam Tahan na at ako'y narito na CHORUS Ika'y mamahalin Pipiliin ika'y pasiyahin 'Di papayag na ika'y saktan Ng kahit minsan, hirang BRIDGE At sa bawat araw na nagdaraa'y nangangamba 'Di ko kaya na ika'y maaagaw ng iba Sa mundo kong kay dilim, ika'y aking ilaw Kaya asahan mo, ika'y mamahalin AD LIB Ako'y asahan mo Ako'y asahan mo