(right-click on image above to control playback functions)
Sisikat nang muli ang ating araw Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman Madalas ay reklamo lang ang bukambibig At 'di makita ang sakit na iyong pasan May matalas ang dila kung mayroong galaw ng bisig Paliparin ang malayang isip Dinggin mo ang tawag ng lupang pinagmumulan Ng kayamanang 'di mo rin pala natitikman Kelan malilinis ang bahid ng dumi Hindi malaman, pero pag-asa ay inaasam Isa na namang awit na tutuhog sa marurupok na pusong lanta Lanta sa diwa at pag-asa ng umaga Bukas-loob silipin ang sarili Balat, mukha, mata, dinggin ang huni Pagkatapos ng ilang taon Unti-unting aahon Ang lipi ng lupa na napako sa kahapon Walang pamagat alay kong alamat 'Di makakahon damdaming naisulat 'Di mo ba naririnig ang tinig ng lahat Sabay-sabay lumiliyab, sisikat nang muli