Home ~ Makulit Network ~ Pinoy rap ~ Forum ~ My blog

Akoy sayo ika'y akin
Iaxe band

(right-click on image above to control playback functions)



Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba 

'Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan?
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang 

Kahit ano'ng mangyari, pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin
Ang mahal, maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na 

At kung di ka makita, makikiusap ka'y bathala
Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang 

Umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na 

At kung di ka makita, makikiusap ka'y bathala
Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang